Kwento Ng Pag-Ibig
akda ni Abner Hornedo, M.D.
N'ung tayo'y unang magsulatan at magkausap,
Ewan ko ba kung ba't iba agad ang naramdaman.
Nagkunwari ako sa takot na masaktan muli,
Minabuting umiwas, damdamin ko'y pinigilan.
Ang tunay na saloobin ko'y mahalin ka,
Halata man ito pero sa iyo'y 'di ipinadama.
Alam kong 'di ako naging totoo sa aking sarili,
Lumisan ka pauwi saka ako nalungkot at nagsisi.
Ngunit sa 'yong pagbalik upang dumalaw,
Ang galak at tuwa ko'y nag umapaw.
Malinis at tapat na hangarin ay aking naramdaman,
Ano pa't puso ko'y umibig na ng lubusan.
Hanggang ngayon ako'y 'di makapaniwala,
Ang dati kong hinahangaan, ngayo'y nandito na.
Lubos na kaligayan ang ibinigay mo sa akin,
Kaya't marapat lang na ika'y lumigaya din.
Itong puso ko'y sa iyo na lamang,
Tanging maiaalay ko bilang kabayaran.
Ang mahalin ka'y hindi ko pagsasawaan hanggang magpakailan man.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home