Friday, January 18, 2008

Pangakong NAPAKO!

Ayoko na sanang magsulat pa patungkol sa gobyerno sa Pilipinas at sa mga bulok na namamahala nito pero kapag nakakabasa ka ng ganitong nakakainis na balita,hindi ako makapagpigil na pumutak ng pumutak!

Malinaw pa sa sikat ng araw and pambobolang ginawa ni GMA ng pangakuan niya ang mga magsasaka ng Sumilao. Nuong una, di na lang ako kumibo, sabi nga ng iba, bakit hindi pagbigyan. Pero una pa lamang, alam ko na na ganito ang mangyayari. Hindi ganun kadali magpamigay ng lupain na nabili na ng isang higanteng kumpanya sa Pilipinas. Hindi komo't sinabi ng pangulo na sa inyo na ang lupaing iyan eh mangyayari kaagad agad yun. Ano ang palagay ninyo sa may-ari ng lupaing iyon ng gumastos ng milyones? Ibigay ang lupain nila ng dahil lang sa salita ng isang taong wala namang kredibilidad? Hindi! Maliwanag na pang-uuto lang ang pangakong ginawa noon! Pinangakuan ang mahihirap na magsasaka para lang tumigil na sa pagpoprotesta. Komo't mahihirap yung mga tao eh pinaasa ninyo sa wala!

May araw din kayo, hindi man sa mundong ito eh sa kabilang buhay kayo mahahatulan! Kayong mga nasa katungkulan na magaling lang magpaikot ng mga taong walang muang sa mundo! Ngayon, habang may panahon pa tuparin mo ang pangako mong napako, Gloria. Bawasan mo ng kaunti ang kaban na napupunta lang sa bulsa ng ilan sa iyong mga aso!

Karmahin sana kayo!

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

God sees everything. On judgement day, we will have to account for all that we have done.

Bad news, I will soon head back to our country as I am unable to get a related job here in NZ which will convert the Work to Resident (WTR) Visa to Permanent Resident Visa. My visa is expiring in a week's time. If you have friends thinking of New Zealand, tell them to think twice before gambling on a WTR visa. As for me, I have started applications though for Canada.

Ingat dyan.

4:33 PM  
Blogger Abner M. Hornedo, M.D. said...

good luck sa 'yo! pray that you'll be successful in your canada application.

regards

8:53 PM  

Post a Comment

<< Home